Napag-isip isip ko na marahil masyadong malungkot ang tema ng aking huling dalawang blogpost at ayokong makahawa o magdulot ng malungkot na atmospera sa blogosphere. Paumanhin po kung ganun man. At paumanhin po kung mali-mali ang aking Tagalog ngayon. Gusto ko lang talaga subukan mag-post ng purong Tagalog lang, ng maiba naman. Bisaya po talaga ako. ;)
Nais ko pong ibahagi ang isang nakakatawang e-mail na natanggap ko mula sa isang kaibigan. Hindi po sya blogger kaya wala akong link na mailalagay.
Dahil ako po ay mahilig din sa larong DOTA, na-tuwa talaga ako ng matanggap ko ito.
DOTA Vs. GF
si DOTA isa lang sa mundo,
GF napakarami niyan.
si GF iiwan ka din niyan,
si DOTA hindi.
si GF nagagalit pagnagdodota ka,
si DOTA hindi nagagalit pag nagGF ka.
si DOTA P20 lang masaya na,
si GF baka P200 hindi pa masaya.
pagnakakakita ka ng ibang Hero hndi nagagalit si DOTA,
pero pagnakakakita ka ng ibang babae nagagalit si GF.
si GF pag iniwan mo mahirap na balikan,
si DOTA pag iniwan mo, handa ka parin tanggapin.
Ano mas gusto mo DOTA o GF?
mag-isip ka na....
GIRLFRIEND: Bakit ang DOTA ba maroromansa ka?
DOTA: Bakit mabibigyan ka ba ng gf ng
tripleng sarap pag naka triple kill ka?
GIRLFRIEND: Bakit ang Dota ba kayang kompletuhin ang pagkatao ng isang lalake?
DOTA: Bakit kaya ba ng babae gawing GODLIKE ang isang lalake?
BUT they have 1 thing in common:
Yun ay lagi silang anjan pag me problema ka. Pag natalo ka sa pustahan sa dota cno magpapasaya sau GF dba? Pag nagkaproblema ka naman sa GF cno magpapasaya sau DOTA dba?
;)
Kaya sa lahat ng girls jan, feel free to comment. Peru wag nyo po ako awayin ha. Hindi po ako nagsulat nyan. ;)
Para sa mga hindi pa nakaka-alam kong ano ang DOTA ito po ay isang multi-player computer game. For more information, please click here:
http://en.wikipedia.org/wiki/Defense_of_the_Ancients