Thursday, August 13, 2009

Callboys, Spongebob Briefs/Boxers and Blue Whales

Naisipan kong ilagay dito ang screenshots ng mga keywords na ginamit ng mga napadpad sa blog ko. Natatawa ako habang binabasa ko yung ibang keywords. Pakibasa po at sana mapangiti ko din kayo. ^_^

Sa mga naghahanap ng mga callboys sorry peru hindi po ako totoong callboy. Haha! Malamang dito kayo napadpad sa pinaka-una kong public blog post: I Am a Callboy. Sa mga first-timers sa blog ko, kung meron man, hayaan nyo po akong magpaliwanag sa presinto. Hindi ako bayaran. Hindi ako lalaking pokpok. Ako po ay isang call center boy/agent. Naging isang common jargon na po sa call center industry na gamitin ang mga terminong call boys at call girls. Kaya chill lang kayo. Wag ma-excite yung mga naghahanap at wag tumaas ang kilay yung mga konserbatibo. :)



Para naman sa nagtatanong kung mahal ba sya ng gf nya, aba'y sorry di ko alam. Di ko naman kilala gf mo at wag mo na pag-isipang ipakilala sya sa'kin dahil malamang ako na mamahalin nun. yay! biro lang. haha. may magcocomment na naman. baka sabihin pelingero ako. LOL

"You believe God, you believe brain." haha. Teka, bad na'ko pinagtawanan ko search keywords mo. Sorry. ayusin mo kasi. Dapat ganto yun, "If you don't believe that God exists just because we can't see him, then might as well don't believe that you have a brain." Opps. Sorry na naman sa mga ateyistang napadpad. Basta paki-basa na lang tong entry na to "Do You Believe That God Exist?"
"i'm sorry i'm lied" => ano daw? parang medyo green pagkaka-intindi ko dito ah. haha. ayusin mo kasi keywords mo. Sige again, take 2:

"poem am sorry i lied" => wow medyo okay na tu ah. at kelangan may nakalagay talagang poem. Specific ka na ngayon ah! O sige na nga. eto yata hinahanap mo eh: "I'm Sorry, I Lied"
"Spongebob briefs" / "Spongebob boxers" / "Spongebob.com"
==> haha.. parang pinopromote ko na ng husto si Spongebob ah. Sana man lang bigyan ako kahit konti ng Nickoledeon. Ang totoo iisa lang yung Spongebob boxers / briefs ko. At dito paki-basa ang istorya nyan. Spongebob Boxers / Briefs

By the way please click on the Blue Whale T-shirt (in the sidebar) to vote again. Vote counts were reset back to zero on Aug 10. for the final 10. If you voted previously, it is easier this time around. You just need to sign in and vote. We need your support dear reader and friends. Thank you very much.


Search the Web